Oo, iniibig ko ang mga salita,
mga parirala, pangungusap, at talata;
mga tauhan, balangkas, tunggalian,
ugnayan, sorpresa’t hantungan.
mga parirala, pangungusap, at talata;
mga tauhan, balangkas, tunggalian,
ugnayan, sorpresa’t hantungan.
Sa bawat lipad at lapat, tindig at gapang, takbo’t lakad ng saysay;
sa bawat takot, galit, asar, hapis at galak,
luha, pawis, dugo, nginig at hiyaw
ng tauhan ako’y dinadala mo sa mga daigdig
na di ko pa natatapakan;
o kaya’y mga mundong pilit ko nang kinakalim’tan.
sa bawat takot, galit, asar, hapis at galak,
luha, pawis, dugo, nginig at hiyaw
ng tauhan ako’y dinadala mo sa mga daigdig
na di ko pa natatapakan;
o kaya’y mga mundong pilit ko nang kinakalim’tan.
Sino ba ang hindi iibig sa mga salita
kung nakakakiliti, minsa’y nakakangitngit,
at kadalasa’y nakakarimarim?
Sino ang di iibig sa mga salitang di sinungaling, di nangingiming isiwalat ang mga baho, kabuluka’t lihim?
kung nakakakiliti, minsa’y nakakangitngit,
at kadalasa’y nakakarimarim?
Sino ang di iibig sa mga salitang di sinungaling, di nangingiming isiwalat ang mga baho, kabuluka’t lihim?
Oo, iniibig ko ang mga salita,
ngunit di ibig sabihi’y iniibig din kita.
Baka nga, oo, itinatangi, ngunit
palihim, patago, walang pag-amin,
at hinihintay lamang i-buking ng mga sariling salitang
ngunit di ibig sabihi’y iniibig din kita.
Baka nga, oo, itinatangi, ngunit
palihim, patago, walang pag-amin,
at hinihintay lamang i-buking ng mga sariling salitang
nagpupumiglas sa dulo ng aking mga daliri.
ᜆ ᜎ, Los Baños, ika-21-ng Hunyo